Weather station ng China gumagana na, ‘Pinas, nganga?!

GUMAGANA na ang weather station ng China sa Spratlys Island.
Ang Pilipinas, tameme lang!
◘◘◘
IUUPO raw bilang bagong DICT secretary si Sen. Gringo Honasan.
Iyan ang tsismis ni Tito Sen!
◘◘◘
ITINALAGA nang cabinet secretary si Karlo Nograles.
Malaki ang tama niya!
◘◘◘
SIMULA na ngayon ang oil embargo ng U.S.A. sa Iran.
Panibagong gulo ini!
◘◘◘
WALANG ulat kung ano na ang resulta ng pag-takeover ng AFP sa Bureau of Customs.
May nabago ba?
◘◘◘
EXCITED na si Isidro Lapeña bilang hepe ng TESDA.
Kailangan pa kasi niyang mag-training!
◘◘◘
MAINIT ang midterm elections sa U.S.
Donald Trump vs. Barack Obama!
◘◘◘
NAKAHINGA nang maluwag ang Malacañang.
Nagkusa na kasing lumayas si Sister Patricia Fox!





Comments