Search
  • Eddie M. Paez, Jr.

SIGALOT SA WORLD BOXING, HINDI PA TAPOS KAHIT PANGULO NA SI RAKHIMOV


HINDI pa tapos ang sigalot sa daigdig ng boksing at ang napipintong pagkadiskaril ng Association of International Boxing o AIBA at ‘di kasama sa 2020 Tokyo Olympics matapos na mahalal bilang pangulo ng samahan si Gafur Rakhimov ng Uzbekistan, isang kaganapang lantarang hindi pinapaboran ng In­ternational Olympic Committee (IOC).

Nakakuha ang Uzbek ng 86 na boto mula sa 134 na botante upang talunin si Kazahkstan boxing chief Serik Konakbayev at umangat mula sa pagiging interim president patungo sa perma­nenteng pangulo ng asosasyon.

Bago ang halalan, hindi tinanggap bilang kandidato si Konakbayev dahil sa atrasadong pagsusumite ng kandi­datura nito bilang pangulo. Umapela ang Khazak at nang ilabas ng Court of Arbitration for Sports (CAS) and desis­yon nito, ibinasura ang pagdidiskwa­lipika sa kanya kaya hindi na naging one-man show ang halalan.

Sinasabing si Rakhimov ay nasa sanction list ng United States Treasury Department dahil sa mga iregularidad kasama na ang diumano ay pagiging bahagi ng “organized crime”. Kaya hadlang ang IOC sa paglahok ng AIBA sa 2020 Olympics.

Nauna rito, nagbanta ang IOC na aalisin sa eksena ang AIBA kapag tumulak na ang 2020 Tokyo Olympics kung si Rakhimov ang pangulo ng AIBA. Sa kabila nito, binigyan ng IOC ng pag-asa ang mga boksingero sa pagsasabing hindi maaapektuhan ang kanilang Olympic dreams.

Hindi pa rin tiyak kung saan pupunta ang kaguluhang ito ngayon ngang nagwagi sa halalan ang kala­bang manok ng IOC.

May mga sapantaha na na nagsi­simula na ng pagbuo ng bagong boxing body na mag-aasikaso ng elimination bouts para sa Tokyo Olym­piad.

Anu’t-ano man ang mangyayari, siguradong nakatutok sa magiging kaganapan ang mga boxing associa­tions sa buong mundo kabilang na ang pangkat mula sa Pilipinas.

Ang larangang ito ay isa sa mga regular na tagapagbigay ng kara­nga­lan sa bansa at lagi na lang inaasahan sa mga bakbakan lalo na sa South East Asian Games, Asian Games at Olympics.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.