Search
  • BULGAR

Sey ng experts... PAGTABI SA EX, NAKATUTULONG PARA MAKA-MOVE ON!

Jersey Sanchez / Gulat ka 'noh?!

DEHINS maka-move on kay ex dahil nanghihinayang ka sa inyong pinagsa­mahan? Easy lang ‘yan, mga besh, da­hil knows ba nin­­yong ang pagtabi sa ex sa pagtulog ay na­katu­tulong para mas ma­bilis tayong ma­ka-move on? Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eksper­to, importante umano ang phy­sical closure nang sa gayun ay tuluyan nang makapag-move on ang mga taong kahihiwalay pa lamang.

Sa pag-aaral na isina­gawa sa 113 kata­ong na­karanas ng break-up, si­nubukan nilang ma­kipag-physical contact sa ka­nilang mga dating nobyo at nobya at tina­nong sila kung ano ang ka­nilang nararamdaman at kung mayroon pa rin ba silang emotional at­tach­­ment.

Gayunman, natukla­san ng mga eksperto na ka­pag ang mag-ex ay nag­tabi sa pagtulog at naging malapit sa isa’t isa, mas malaki ang tsansa na ma­ging magka­ibigan na lang sila kung saan ito na ang magi­ging simula para ma-rea­lized nila na tapos na ang kanilang relasyon at kailangan na nilang mag-move on.

Samantala, ayon kay Dr. Stephani Spielmann, kung sila man ay nakipag­talik, ganu’n pa rin ang mang­yayari kung saan magkakaroon lang din sila ng closure sa kani­lang pag­hihiwalay at ang emos­yon na kanilang naram­daman nu’ng nagtalik sila ay panandalian lamang.

Kaya para sa mga sis at bro natin diyang may prob­lema sa pagmu-move on, huwag kayong mag-alala dahil may easy way na para riyan, basta hu­wag ka lang dapat ma­saktan, ha?

Copy? He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.