Search
  • No Problem

Para sa mga putak nang putak diyan, read n’yo ‘to, dali! MGA DAHILAN KUNG BAKIT IMPORTANTE ANG PAKIK

1. KNOWLEDGE IS POWER. Simple lang ‘to, mga beshy, kung marunong tayong makinig, makadaragdag ito ng impormasyon na magagamit natin sa lahat ng aspeto sa buhay.

2. YOU WON’T REVEAL ANYTHING YOU’LL LATER REGRET. Ang ibig sabihin nito, kapag mas madalas kang makinig kaysa dumaldal, mas kaunting maling impormasyon ang maikakalat mo sa ibang tao. Kapag gan’un ang nangyari, makaiiwas ka sa tsismis at gulo. Oh, ‘di ba? Hi-hi-hi!

3. YOU WON’T USE UP YOUR MATERIAL. Kapag may nagtanong sa’yo, beshy, alam mo na kaagad ang sagot dahil nga sa nakinig ka habang may nagsasalita o may nagtuturo.

4. THE PERSON WHO’S DOING THE TALKING WILL FEEL UNDERSTOOD AND CARED ABOUT. Importante na maramdaman ng kausap ninyo na may pakialam kayo sa mga sinasabi nila. Bukod sa paraang ito ng pagbibigay ng respeto, mararamdaman din nilang pinahahala­ga­han ninyo sila.

5. YOU MAY GAIN INSIDE INFORMATION. ‘Ika ng ilan, ang kasunod ng pakikinig ay ang pagkakaroon ng kaalaman. Kaya alam mo na, kapag hindi ka naki­nig, ibig sabihin, wala kang alam. Joke! Ha-ha-ha!

6. WHEN YOU DO SPEAK, PEOPLE WILL LISTEN. At dahil natuto tayong makinig, gayundin ang ibabalik sa atin ng mga taong nakakausap natin. ‘Ika nga, don’t do unto others what you don’t want others do unto you.

Kaya mainam na makinig para hindi magsisi sa huli, mga beshy!

Copy?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.