Search
  • Jeff Tumbado

Negosyante utas sa rider

ISANG 45-anyos na ne­gosyante ang pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng nakamotorsiklo sa Bgy. Commonwealth sa Quezon City.

Dead-on-the-spot si Michael Manila sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), mi­namaneho umano ng bik­tima ang kanyang kotse sa bahagi ng Commonwealth Avenue kasama ang ilan sa kanyang mga empleyado nang biglang tabihan ito ng isang lalaking sakay ng mo­torsiklo.

Maya-maya pa ay big­lang bumunot ng baril at pi­nuntirya ng ilang beses ang biktima sa ulo.

Matapos ang pamamas­lang ng suspek, tinangay pa nito ang cellphone at pera ng biktima na tinatayang nagka­kahalagang P100,000.

Patuloy na ang pagsisi­yasat ng mga awtoridad sa pagka­kakilanlan ng salarin habang hindi inaalis ang mo­tibo ng panghoholdap at po­sibleng kilala ng biktima ang gun­man.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.