top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MELECIO, COLLEGIATE UAAP-POW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2018
1 min read

SA pamumunong ginawa ni point guard Aljun Melecio, muling dinomina ng De La Salle, 110-69 ang University of Santo Tomas noong nakaraang Sabado sa second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagposte si Melecio ng kanyang season-high na 22 puntos kabilang ang anim na tres, bukod pa sa 5 rebounds at 6 na assists, pagpapatunay na hindi siya napigil ng ginawang depensa ng Tigers.

Dahil sa kanyang naging laro, itinanghal si Melecio bilang Chooks-to-Go/Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Sa loob ng tatlong taon ng kanyang paglalaro bilang isang Archers, ito ang unang citation na natanggap ni Melecio.

Pero para kay Melecio, walang kakaiba sa kanyang ginawa.”Actually, every game naman, ganu’n ako. Binibigay ko 100 percent ko. Di lang dahil kalaban si coach Aldin (Ayo) kaya ganito. Every game, binibigay ko talaga best ko,” dagdag nito.

Sanhi ng kanyang naging performance, umangat sa solong ikatlong puwesto na ang Green Archers hawak ang 7-4, panalo-talong marka. Sa gitna ng lahat, nais ni Melecio at ng La Salle na maipanalo pa ang nalalabing tatlong laro sa elimination round. Naungusan ni Melecio para sa lingguhang citation sina UP Fighting Maroons foreign player Bright Akhuetie at Ateneo Blue Eagles slotman Isaac Go. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page