• Jersey Sanchez

Magnitude 5.9 yumanig sa Japan

NIYANIG ng Magnitude 5.9 na lindol ang isla ng Hokkaido, Japan.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang sentro ng lindol ay nasa layong 107 kms. sa hilagang-silangan ng Shibetsu.

Walong kilometro umano ang lalim ng lindol.

Samantala, mababa na ang tsansa na magkaroon ng mga pinsala dahil sa lindol.

Matatandaang, noong Setyembre ay Magnitude 6.6 ang yumanig sa isla na dahilan ng pagkasawi ng 40 katao.

0 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.