top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Maaaring mangyari sa mga nakumpiskang piniratang pelikula

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2018
1 min read

Dear Chief Acosta,

Pagkatapos ng kaso laban sa mga taong nagbebenta ng pini­ratang pelikula, ano ang maaaring mangyari sa mga nakumpiskang produkto? — Bettie

Dear Bettie,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang A.M. No. 10-3-10-SC o mas kilala sa tawag na Rules of Procedure for Intellectual Property Code kung saan nakasaad na:

“SEC 1. Order of destruction. — At any time after the filing of the complaint or information, the court, upon motion and after due notice and hearing where the violation of the intellectual property rights of the owner is established, may order the destruction of the seized infringing goods, objects and devices, including but not limited to, sales invoices, other documents evidencing sales, labels, signs, prints, packages, wrappers, receptacles and advertisements and the like used in the infringing act.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, ang nasabing probis­yon ng batas ay nagsasabing ang korte ay may kapangyarihang ipag-utos ang pagsira sa mga produktong naglala­man ng piniratang pelikula kung pagkatapos ng pagdinig ay makikita nitong nagkaroon ng paglabag sa intellectual property rights ng isang tao.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page