Kursong hatid ng TESDA, career na siguradong mapagkakakitaan

Mga ka-TESDA, sa hindi mabilang na kursong iniaalok ng TESDA, halos lahat ng larangan ay maaari na ninyong matutunan. Lalung-lalo na ang mga karerang siguradong mapagkakakitaan. Ito ay pinag-aralan at pinag-iisipang mabuti upang ang lahat ay maging swak sa panlasa ng mga Pinoy.
Tanong: Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari ko bang ma-renew ang aking certificates sa F&B, Housekeeping at Bread and Pastry NC II na natapos na noong 2016 at 2017. Alam kong medyo matagal na itong expired, hindi ko ito nakuha dahil naging OFW ako mula pa noong 2014 at wala akong panahon noon upang ito ay asikasuhin. —Josephine Guzman
Sagot
Mga ka-TESDA, maaari ninyong i-renew ang inyong NC basta maipakikita lang ninyo ang mga dokumento ng TESDA tulad ng Expired NC, Certificate of Employment (katibayan na nagamit sa trabaho ang NC), 4 pcs. passport size pictures na may white background at name tag, gayundin, ihanda ang renewal fee na P100. Dalhin lamang sa pinakamalapit na district/provincial office ng TESDA kung saan nakuha ang inyong NC at makapagre-renew na kayo ng inyong mga sertipiko.
Tanong: Magandang araw! Gusto ko lang magtanong kung may kurso ba ang TESDA sa San Juan City na may kaugnayan sa bread and pastry na para sa mga tulad kong mahilig sa pagbe-bake? —Marianne Manalo
Sagot
Mga ka-TESDA, narito ang accredited Bread & Pastry Training Centers sa San Juan City: 1) Foundation for Professional Training, Inc. na matatagpuan sa 173 M. Paterno St., San Juan City, puwede ninyo silang tawagan sa mga numerong 726-7762 hanggang 82/726-7773/727-0581 at 2) Manila Culinary & Hospitality Academy, Inc. na mapupuntahan ninyo sa 663 J. Wright, Bgy. Batis, San Juan City, tumawag sa kanilang mga numerong 723-4926/724-2756.
Mga ka-TESDA, pumunta na sa mga opisina ng TESDA sa inyong probinsiya o rehiyon dahil siguradong sa bawat kurso ng ahensiya ay may pag-asenso. Ang bawat isa ay tiyak na may puwang sa mga programang iniaalok ng TESDA kaya maging iskolar at mag-training na sa TESDA para tuloy ang tungo sa tagumpay.





Comments