Search
  • Eddie M. Paez, Jr

IM’S GARMA AT YOUNG, SUMALO KAY GM TORRE SA ASIAN SENIORS


PINANGUNAHAN ng nagtatanggol na kampeon at Pinoy Grandmaster Eugene Torre ang tatlong iba pang kalahok sa paghawak ng trangko pagkatapos ng pangalawang yugto ng gina­ganap na 2018 Asian Seniors Chess Championship sa Tagaytay City.

Ginapi ni Torre, 67-an­yos na topseed sa torneo, si Rosendo Bandal para sa kan­­yang pangalawang sunod na panalo at pagkuha ng dala­wang puntos.

Kagaya ni Torre (Rating: 2449), mayroon ding gani­tong kartada sina International Master Chito Garma (Rating: 2317), IM Angelo Young (Rating: 2281) at untitled Than Khin (Rating: 2200) ng Myanmar. Dapa kay Garma si FIDE Master Adrian Pacis habang nabik­tima ni Young si Indonesian FM Syarif Mahmud.

Sa­man­tala, isa pang pambato ng Indonesia (Hen­dry Jamal) ang nakatikim din ng pag­katalo matapos tu­mik­lop sa 9th seed na si Khin.

Siyam na chessers na may kartadang 1.5 puntos mula sa isang panalo at isang tabla ang nakatutok sa tumatrangkong pulutong.

Sina Torre at Young ang maghaharap sa susunod na round samantalang nakapro­grama na rin sa round 3 ang duwelo nina Garma at Khin sa paligsahang umakit ng senior chess gems sa iba’t-ibang bahagi ng Asya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.