Ganern, Priscilla? JOHN, TODO-THANK YOU KAY JANICE DAHIL MATATALINO ANG MGA ANAK
- Nitz Miralles
- Nov 6, 2018
- 1 min read

“Of course thanks to @super_janice for the superb job with our kids,” ang sagot ni John Estrada sa nag-comment na dapat pasalamatan niya si Janice de Belen sa maganda nitong pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Nag-post kasi si John ng picture na kasama nila ng asawang si Priscilla Meirelles ang mga anak nila ni Janice at ilang kaibigan.
“If you want to have a great relationship with your kids...you have to learn to listen to them and their feelings... Akala ko nuon dahil isa akong magulang e ako parati ang tama at masusunod... pero na-realized ko na mali pala yon lalo na kapag matatanda na ang mga anak mo at kung may sarili ng isip...
“Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng mga matatalinong anak at mayroong mga ginintuang puso... I want to thank my kids just for being them and loving me unconditionally... I promise that dad will be here to guide you most specially to listen to you...I love you...and to my wife I love you so and thank you last night was a great one,” post ni John.
Samantala, balik na si John sa Victor Magtanggol bilang si Loki na sumanib sa katawan ni Freddie Webb. Parehong magaling sina John at Freddie, nakakatakot silang kalaban ni Victor Magtanggol (Alden Richards).





Comments