Search
  • Maeng Santos

Tricycle driver binaril sa ulo

DEDO ang isang tricycle driver matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ernesto Osorio, 60, ng Bgy. 177. Sa pahayag ng saksing si ‘Jane’ kay PO3 Jenny Ryan Rodriguez, alas-10:45 ng gabi, nagpapahinga siya sa loob ng kanilang bahay nang makarinig siya ng putok ng baril sa labas.

Nakita nito ang biktima na nakasubsob sa kanyang minamanehong tricycle sa kahabaan ng Oval St. Sam­paguita, na naging dahilan upang agad nitong ipaalam sa mga awtoridad ang insi­dente.

Isang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na ka­libre ng baril ang narekober ng SOCO sa crime scene habang blangko pa ang pu­lisya sa motibo sa insidente dahil ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na kaaway si Osorio at wala rin itong kinasasangkutang iligal na gawain.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.