Search
  • BULGAR

Panawagan sa gobyerno, mga krimen na kinasasangkutan ng kapulisan, imbestigahang mabuti!

RYAN B. SISON / BOSES

PULIS-PATOLA, ganito kung tawagin ang kapulisan na hindi nagagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa sa bayan.

Hindi ba, nakalulungkot dahil kung ating papansinin, mas dumarami na ang mga pulis na pasaway at karamihan pa sa kanila ay ‘yung mga bagito pa?

Halimbawa sa mga ito ay ang kaso ng isang pulis na itinaon pa ang paggawa ng iligal sa paggunita ng Araw ng mga Patay kung saan nahuli si PO1 Redentor Bautista na guma­gamit ng cocaine sa isang high-end bar sa Taguig City, kamakailan.

Sa totoo lang, nakapapagod nang mag­paalala sa ating kapulisan dahil kaliwa’t kanan na ang kinasasangkutan nilang mga katiwa­lian, pero tila wala silang takot at natututunan.

Pero, kapag nahuli, akala mo kung sinong mga maaamong tupa, naturingang dapat na mga tagaayos ng bayan pero sila pa itong mga pasaway.

Gayunman, nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guil­lermo Eleazar na bagama’t, nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga ang pulis ay napatunayan itong walang kaugnayan sa anumang sindikato.

Pero, maganda pa rin kung iimbestigahan ito ng maayos nang sa gayun ay hindi na ma­kalusot pa.

Samantala, ang panawagan natin sa gob­yerno, bigyang-pansin ang mga ganitong klase ng krimen kung saan nagkakaroon ng kaka­yahan ang kapulisan sa madaling pama­mara­an sa pagkakaroon ng mga iligal na droga, baril at kung anu-ano pa dahil lang sa may ka­tungkulan sila.

Huwag nating hayaan na sa mga susunod na mga panahon, mismong mga pulis na ang kalaban ng bayan at ng mamamayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.