Search
  • BULGAR

Mga sundalong nasa front-line butas-butas ang combat boots, asan ang pondo?!

KA AMBO / BISTADO

ITATALAGA si Sen. Gringo Honasan bilang DICT secretary.

Ex-AFP na naman!

◘◘◘

NAIS palabasin ng Mala­cañang na hindi korup ang mga militar.

Diyos na mahabaging langit!

◘◘◘

ISANG dating major general ang hinatulan ng hard labor makaraang mapatu­nayan utak ng korupsiyon sa pondo ng AFP.

Bakit ninyo nakali­mu­­tan ito?

◘◘◘

ANG batambatang Navy na pinatay pero, pinalitaw na nag-suicide.

Hindi ba, korupsiyon sa Navy ang ugat ng krimen?

◘◘◘

ANG conversion of fund ay orihinal na nakonsepto sa loob ng AFP.

Mula rin sa AFP ang iskema ng “pasalubong at pabaon” na kinopya sa Bureau of Customs.

◘◘◘

BAKIT butas-butas ang combat boots ng mga sun­dalong nasa frontline?

Nakararating ba sa mga sundalo ang mala­king pondo ng AFP?

◘◘◘

ANG pension fund ng mga retiradong sundalo, ang pondo ng mga beterano at pondo sa kooperatiba ng mga sundalo, hindi ba, dinarambong din?

Paano magiging mali­nis ang AFP kung ang “coop” sa loob ng kani­lang bisinidad ay kinu­ku­westiyon mismo ng mga miyembro nito?

◘◘◘

ALIN ang mas korup, ang military o ang sibilyan?

Naiimbestigahan ba ang pagnanakaw sa pondo ng pobreng sundalo?

◘◘◘

MAHALAGANG ma­u­na­waan natin na ang ko­rupsiyon ay isa nang kultura sa demokratikong gobyerno.

Ang korupsiyon ang tunay na ugat ng pagkalat ng illegal drugs at iba pang krimen tulad ng smuggling at gambling.

Mahirap bang paniwa­laan 'yan?

◘◘◘

PARE-PAREHO lang korup ang sibilyan at military.

Sapagkat ang corruption ay isang “kultura” at hindi maiaalis pa, sundalo man o sibilyan.

Pare-pareho lang ‘yan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.