Search
  • Clyde Mariano

LEARN AND PLAY SPORTS FOR FREE ‘DI LANG PANG-ATLETA, PAMPAMILYA PA


KUNG bakit dumarami ang lumalahok sa Learn and Play Sports for Free ay dahil sa mga bolang giveaways basketball, football at vol­ley­ball sa mga kalahok ma­tapos ang dalawang oras na exercise na nilunsad ng Philippine Sports Com­mission na pinamumunuan ni Chairman William Ra­mirez.

Naiiba ang lingguhang aktibidad na ito sa Rizal Park sa ibang activities kung saan ito ay may walong sports kabilang na ang zumba na pinamahalaan ng mahuhusay na instructors/instructress at national coaches.

“This is the reason many people from all walks of life joined the every Sunday ac­tivities. They enjoyed pla­ying eight sports and zum­ba,” sabi ni Norberto “Boy” Ding­lasan in-charge ng ling­guhang aktibidad.

Hindi bumaba sa mahigit isang libo at umabot sa 1,106 kasama ang 682 sa zumba karamihan ay mga babae. Nagtala ang volleyball ng 100, chess 80, badminton 70, lawn tennis 52, football 51, karatedo 24, sepak tak­raw 21, at arnis 12 na nilaro sa Rizal Park.

Inilunsad ng PSC ang ak­tibidad para hikayatin ang mga mamamayan at mga kabataan na mas mahirati sa palakasan at ilayo sila sa ma­samang bisyo tulad nang droga.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.