Search
  • BULGAR

LADY BULLDOGS, NILAPA ANG PAKPAK NG LADY BLUE EAGLES


SA ikalawang pagkakataon pinayukod ng defending champion National University ang Ateneo de Manila, 76-52, para sa kanilang ika-11 sunod na panalo na humatak sa kanilang record na unbeaten run hanggang 75 laro kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagposte si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 20 puntos, 10 rebounds at 3 blocks kasunod si Congolese Rhena Itesi ng 14 puntos at 22 rebounds para sa Lady Bulldogs na nakalapit sa target na outright entry sa best-of-three championship. “Actually, medyo maganda ‘yung pagkapanalo last game. But we kind of relaxed today,” wika ni Lady Bulldogs coach Patrick Aquino.

“Tapos na ‘yung record-breaking game. Sabi ko nga, tapos na ‘yun. We have to take it one game at a time. Let’s just forget about it. History has been done already,” dagdag nito. “We’re playing a game and we have to focus on our next goal which is go to the championship and win the championship.”

Umiskor si Valerie Mamaril ng 17 puntos, 6 rebounds at 5 assists para pamunuan ang Far Eastern University sa pagpapatatag ng kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa pamamagitan ng 64-57 paggapi sa University of the East. Dahil sa panalo, tumaas ang Lady Tamaraws sa markang 8-3, panalo-talo.

Samantala, bumaba ang Lady Eagles at ang Lady Warriors sa barahang 4-7 at 2-9, ayon sa pagkakasunod. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.