Search
  • Jeff Tumbado

Kapitbahay nag-amok, napagtripan | 3 YRS. OLD TINADTAD, DEDBOL

PATAY ang isang tatlong taong gulang na lalaki ma­kara­ang pagtatagain ng la­laking may problema uma­no sa pag-iisip sa Bgy. San Antonio, Iriga City.

Kinilala ang suspek na si Hansel Namoro, 30, resi­dente sa naturang lugar at kapitbahay naman ng bik­tima.

Napatay din si Namoro ng mga residente matapos kuyu­gin ilang sandali nang mangyari ang pagtaga sa bata.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Iriga City police, biglang pinasok ni Namoro ang bahay ng biktima habang armado ng itak at agad na dinaluhong ng sunud-sunod na taga ang bata na kanyang unang nakita sa bahay.

Nagtamo ng malalalim na tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bata na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Lumalabas sa report na bago ang insidente ay nag­wawala na umano ang sus­pek sa lugar kung saan umuwi pa ito para kumuha ng itak.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.