- BULGAR
Biglang naging lodi ng madlang pipol… VIRAL VIDEO SCANDAL NI CESAR, SINADYA RAW PARA MABURA ANG IMA
Julie Bonifacio / WINNER!

PALAISIPAN pa rin sa ilang netizens kung aksidente lang ba talaga o sinadya ‘yung viral video birthday greetings ni Cesar Montano sa isang kagawad kung saan may hubo’t hubad na babaeng dumaan sa background niya.
May mga haka-hakang diversionary tactics lang daw ito ni Cesar para mabura ang nega image niya sa publiko pagkatapos magsalita ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz na sinasaktan siya ng mister noong nagsasama pa sila.
Dahil kasi sa naturang video ni Cesar, biglang dumami ang gustong magpa-video greetings dito na umaabot na nga raw nang libo, pero hindi niya siyempre mapagbibigyan lahat.