Search
  • ROMA AMOR

Babaeng dehins na kaya ang ginagawang pananakit ng asawa kaya gusto na niya itong hiwalayan


Dear Roma,

Ako si Liz, 40 years old at may tatlong anak. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil hindi ko alam kung paano kami makaaalis ng mga anak ko sa piling ng asawa ko. Madalas na kaming nag-aaway dahil ilang beses ko na siyang nahuli na nambababae at sa tuwing nahuhuli ko siya, sina­sak­tan niya kami ng mga anak ko. Sa tu­wing sinu­subukan na­ming tuma­kas, nahuhuli niya kami. Naa­awa na ako sa mga anak ko dahil alam kong ma­laking trau­ma ang maku­kuha nila mula rito, kaya gusto ko nang iwanan ang ama nila. Roma, ano ang da­pat naming ga­win? Ma­raming sala­mat! — Liz

Liz,

Mabuting kausapin mo nang mahinahon ang iyong asawa at sabihin mong hindi na ninyo kaya ang mga pananakit at pambababae niya. Ipa­unawa mo rin na hin­di maganda ang magi­ging epekto nito sa mga anak ninyo. Kung nag-a­alala ka dahil baka ma­­nakit siya, mainam na may kasama kang ibang tao na maaaring pumro­tekta sa inyo. Hiling na­min na sana ay maging mabuti ang pamumuhay ninyong mag-iina kahit hindi na ninyo kasama ang kanilang ama. God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.