Ayaw magbayad ng kinain sa resto | GUIDANCE TEACHER, ARESTADO
- Alvin Murcia
- Nov 5, 2018
- 1 min read

ISANG dating guro ang arestado makaraang kumain sa isang restoran sa Marikina City ngunit, tumangging magbayad at nag-eskandalo pa umano.
Hinuli ng mga pulis sa pangunguna ni Senior Inspector Emil Garcia ang suspek na si Ma. Criselda Gureng, 45, guidance teacher at residente ng Quezon City, alas-3:00 ng hapon kamakalawa sa loob ng Giligan’s Restaurant sa Riverbanks Mall.
Alas-11:00 noong Sabado nang pumasok sa nasabing restoran si Gureng at um-order ng pagkain na umabot sa P1,037.
Nang maubos ang pagkain, siningil ito ni Ma. Mirra Ruez, 43, branch manager, ngunit, tumanggi umano ang suspek kasabay ng pagbitaw ng hindi magagandang salita sa kanya. Agad na humingi ng tulong sa pulis si Ruez kung saan ang mga ito ang nagtangkang sumingil sa suspek ngunit, pinagsalitaan umano ng suspek ang mga ito.
Binuhusan din umano ng suspek ng isang baso ng beer ang isang pulis kaya agad na itong inaresto.





Comments