top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

50 years ang nanggugulo, napakarami nang napapatay | Utos ni P-Duterte: Giyera sa komunista!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 5, 2018
  • 3 min read

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Security Council na magtayo nang “National Task Force” para labanan ang kilusang komunista na halos limampung taon nang nanggugulo sa bansa natin at napakarami nang napapatay na kapwa Pilipino.

Hindi malinaw kung ang utos ni P-Duterte ay la­banang puwersa-sa-puwersa ang Partido Ko­munista ng Pilipinas at ang hukbo nito na New People’s Army.

Pero kung hahantong sa ganito, si P-Duterte ang kauna-unahang pangulo na lalabanan ang kilusang komunista na pinangunahan ni Jose Maria Sison.

Sa totoo lang, kahit ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay hindi nilabanan ng tuluy-tuloy ang mga komunista.

Ang naging mas malaking banta noong panahon ni ex-P-Marcos ay ang Moro National Liberation Front. Ito ay gustong ihiwalay sa Pilipinas ang mga probinsiya sa Mindanao.

Malakas ang MNLF noon dahil suportado raw ito ng Malaysia bilang paraan nila na magulo ang gobyerno natin at hindi na maituloy ang plano nitong maging bahagi ng bansa natin ang napakayamang isla na Sabah.

Ang Sabah ay naging base ng MNLF kung saan sila madaliang nagtatago kapag inuusig ng militar natin. Gayundin, ang Malaysia raw ang nagsanay sa mga liderato ng MNLF sa siyensiya ng military na ang nagtuturo pa ay mga galing sa Britanya.

Pinakalat daw ng MNLF sa mundo na mara­ming masaker ng mga Muslim na kagagawan ng mga Kristiyanong grupo kaya naipalalabas nila na digmaang-pangrelihiyon ang laban nila.

Kinaba­han ang gobyerno natin noon dahil biglang yaman ang mga Arabo sa panahong ‘yun dahil sa kita nila mula sa langis.

Nagbanta pa raw ang mga ito na kung lumala ang labanan ng gobyerno at MNLF ay ititigil nila ang pagbebenta ng langis sa Pilipinas kaya ang nangyari, sa Mindanao na nakatuon ang mga militar natin laban sa MNLF at hindi sa NPA.

Gayundin, akala ng gobyerno ni ex-P-Marcos, mahina na ang NPA nang matambangan ng militar natin ang tangkang pagpuslit ng 10,000 riple ang gobyerno ng China noon sa ilalim ni Mao Zedong para sa NPA. Madali ring nalipol ng hukbo natin ang NPA na nagkaroon ng puwersang pangbatalyon sa Isabela.

Halos ampunin ni dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino ang mga komunista dahil tumulong daw ito sa pagpapabagsak kay ex-P-Marcos.

Isang araw pa lang nang bumagsak si ex-P-Mar­cos ay pi­nalaya na niya ang lahat ng liderato ng mga ko­munista kasama sina Jose Ma. Sison, pinuno ng Partido Komunista at Kumander Dante, supremo ng NPA na nabubulok na sa kulungan ng siyam na taon.

Pi­nabago niya ang Konstitusyon na naglikha ng “partylist” system na nagamit ng komunista para maglagay ng kanilang mga representante sa Kon­greso.

Isipin mo, may pitong mga kongresista na nasa Kongreso na mga alagad ng mga komunista at NPA?

Sa halip na tapusin na ang himagsikang-ko­munista na tulad ng ginawa ni dating Pangulong Ramon Magsaysay noong 1950s at ng ibang bansa na lahat ng mga administrasyon mula kay ex-P-Mar­cos ay umasa na titigilan ng mga komunista ang gulo nilang ginagawa kung magkasundo lang ang gob­yerno at sila kaya ilang dekada na ring puro “peace talks” o usapang pangkapayapaan daw ang ginagawa ng mga pangulo natin at kapag may “peace talks” ay hindi kumikilos ang military natin laban sa NPA kaya hanggang may ganito ay napalalago nila ang mga puwersa nila sa kanayunan kaya halos limampung taon na tayong may NPA na tuluyang nanggugulo sa mga kanayunan kahit alam natin na sa panahong ito ay hindi sila magwawagi na kahit ang media ay halos kakampi ng mga komunista kung mahahalata ninyo.

Ang pananaw nila ay may NPA raw hangga’t may kahirapan sa bayan. Pero, katangahan ‘yan, ang daming mga mahirap na bansa pero, walang mga komunistang nanggugulo sa bayan.

Napakalaking kontribusyon ni P-Duterte sa ba­yan natin kung tuluyan niyang tatapusin ang himag­sikan laban sa mga komunista at NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page