Search
  • Jeff Tumbado

2018 bar exams, umarangkada na


NAGSIMULA na kaha­pon ang pagsasanay ng nasa mahigit walong libong nais maging abogado sa ginanap na 2018 Bar exams sa Uni­versity of Santo Tomas (UST).

Nasa kabuuang 8,701 ang pinayagan ng Office of the Bar Confidant na kumu­ha nito at sinasabing record high umano ayon sa Korte Suprema.

Kahapon, ang subjects na sinanay ng mga Bar taker ay Political and Internatio­nal Law at Labor Law and Social Legislation.

Si Associate Justice Ma­riano del Castillo ang chair­man ng Bar Exams Com­mittee ngayong taon.

Kaugnay nito, ipinatu­tupad ang liquor ban at no parking policy sa paligid ng UST at mahigpit din ang ipi­na­tutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.