TIU NG ROS, KUMIKIG PA LAST Q’FINAL SEAT SA BOLTS


SINILAT ng Rain Or Shine ang NLEX matapos hablutin ang 107-101 panalo kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup sa Araneta Coliseum.
Dahil sa talo, nalagay sa alanganin ang Road Warriors na makalaro sa quarterfinals. Nalasap ng NLEX ang pang-anim na talo sa 11 laro.
Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang kampanya sa 3-8 record.
Namuno sa opensa para sa RoS si Chris Tiu na may 30 points, limang assists at apat na rebounds.
Samantala, nais ng Barangay Ginebra na masiguro ang top seeding kaya walang ibang nasa kukote nila kundi ang paluhurin ang TNT KaTropa ngayong ala-6:45 ng gabi sa Big Dome sa Quezon City.
Tangan ang 8-2 card, tiyak na nasa tuktok ang Gin Kings kapag nanalo sila sa KaTropa.
Pero inaasahang mapapalaban ng todo ang crowd favorite Bgy. Ginebra dahil may tsansa pa ang TNT na makahirit ng laro sa susunod na phase.
May kartang 4-6 ang KaTropa, makasisiguro sila ng playoff para sa No. 8 spot kapag nasikwat nila ang panalo sa tigasing Gin Kings.
Kakapitan ng Barangay Ginebra sina import Justin Brownlee, locals, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Scotie Thompson.
Habang ipananapat ng TNT sina Terrence Romeo at Jayson Castro na mga malulupit na point guards sa PBA.
Maghaharap sa unang laro ang Phoenix at Blackwater sa alas-4:30 ng hapon. Samantala sa ikalawang laro, tinalo ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen sa bisa ng 111-81. Bumida sa laro si Allen Durham sa 35 puntos. (ATD)
Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30 p.m. - Phoenix vs Blackwater
6:45 p.m. - TNT KaTropa vs Bgy. Ginebra





Comments