• BULGAR

Relasyon daw kay Vice, pinagpipiyestahan na… SIGAW NG MADLANG PIPOL: CALVIN, 'DI NA NAHIYA PARA

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

DAHIL sa pag-amin ni Vice Ganda sa panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda na napapasaya siya ng Phoenix player na si Calvin Abueva, nabulabog ang maraming netizens at madlang pipol kaya mixed ang reaction ngayon tungkol sa love life ng It’s Showtime host.

Maraming fans ni Vice ang happy para sa kanya at ipinu-push pa nga ngayon ang love team nila na tinawag na “Beauty (Vice Ganda) & the Beast (alyas ni Calvin sa PBA).”

Wish din ng mga becki fans ni Vice, si Calvin na nga ang maging ‘forever’ ng gay TV host dahil na­ki­kita raw nilang kakaiba ang spark nga­yon sa mga mata ng una dahil sa ‘happiness’ na naibibigay ng PBA player.

At kasunod din ng pag-amin ni Vice ang pagba-viral ngayon sa social media ng mga sweet photos nila ni Calvin na magkaakbay at magka­yakap.

But as expected, hindi naman siyempre lahat ay makakaunawa sa happiness ngayon ni Vice Ganda at may mga “ampalaya beauties” na kumokontra at kumokondena sa kanya.

Sey ng kaibigan naming sports writer, “Kadiri naman si Vice. Ano’ng nagustuhan n’ya kay Calvin, eh, ‘di naman guwapo, mukhang dugyot pa? Akala ko pa naman ang mga tipo niya, ‘yung mga guwapong bagets sa Hashtags? Anyare at bakit si Calvin pa ang nagustuhan niya?”

Komento naman ng isang conservative na nakausap namin, “‘Di ba, may asawa’t mga anak na ‘yang si Calvin Abueva? ‘Di ba siya nahihiyang natsitsismis siya ngayon kay Vice? Kawawa naman ang pamilya niya.”

Eh, base sa nabasa naming isinulat ni Manay Lolit Solis sa kolum niya sa ibang paha­yagan, iniwan o hiwalay na raw si Calvin sa asawa niya. Pero siguro naman, hindi si Vice ang dahilan.

‘Yun lang, siyempre, kahit tang­gap na rin naman si Vice Ganda bi­lang gay, may mga hindi pa rin ma-take ‘pag pakikipagrelasyon na niya ang pinag-uusapan, lalo’t sa may mga anak pa nga siya nali-link.

Well, ang point naman namin, as long as hindi naman ipinagsisigawan ni Vice Ganda na totoong may relas­yon na sila ni Calvin at sinasabing ga­yahin sila ng mga fans niya, hindi naman siguro siya dapat husgahan agad.

At kahit naman si Calvin, sa latest FB Live ng Chooks-to-Go Pili­pinas, consistent siya sa pagsasa­bing ‘magkaibigan’ lang talaga sila ni Vice kahit pa halos pamilya na rin ang turingan nila dahil nakakasama pala ng gay comedian ang family niya.

Sabi pa niya sa level of friendship nila ni Vice, “Ang amin lang, mag-succeed kami sa friendship namin. And then siyempre, minsan lang may makasamang player ‘yan na talagang papakisamahan siya na kahit ganyan siya o ano’ng hitsura niya.

“Wala akong ano du’n. Siyempre, iba-iba ang style ng pananamit ng komedyante, ‘di ba? Wala akong doubt du’n. At least ako, kaibigan ko siya, kaibigan niya ako,” paglilinaw pa ni Calvin.

So, ‘yun na!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.