Search
  • BULGAR

PINOY RIDERS LIM, OCONER, FELIPE SA TOUR DE SINGKARAK


MAPAPALABAN ang Pinoy riders sa 8-day 2.2 UCI event, Tour de Singkarak sa West Sumatra, Indonesia na magsisimula ngayong araw.

Sasalang ang dalawang Philippine teams sa event na magtatapos sa Nobyembre 11.

Panargo ng 7-Eleven Road Bike Philippines sina Rustom Lim, George Oconer, Marcelo Felipe, Arjay Peralta, Bonijoe Martin at Warren Bordeous.

Umalis na ang grupo noong Huwebes ng gabi para samahan ang Go-for- Gold squad na dumiretso agad sa Linggarjarti race sa Sumatra.

Ipagmamalaki ng Go-for-Gold ni Jeremy Go sina Jonel Carcueva, Ronillan Quinta, Elmer Navarro, Ismael Gorospe, Jay Lampawog at Ronnel Hualda habang ang Team Direc­tor ay si Ednalyn Hualda.

Magkakapedalan ang Pinoy riders ay manggagaling sa 19 Continental teams, lima sa host Indonesia, 3 sa Malaysia, 2 sa Iran at ang iba ay Japan, China, South Korea, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, Germany at Australia.

May kabuuang 1,200 km ang pepedalan kung saan bawat stage ay may mga akyatin. Ang best resulta ng Pilipinas ay 9th place kay Felipe sa General Classification at 3rd para sa 7-Eleven sa Team standings ng 2015 at 2016 editions. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.