Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
Nov 4, 2018
1 min read
QUEZON—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tumbaga 1, Sariaya sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Angelo Develles, residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si Develles sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Hindi nanlaban si Develles nang dakpin ito ng pulisya sa naturang lugar.





Comments