Karapatan sa mana ng naiwang asawa
- BULGAR

- Nov 4, 2018
- 2 min read
BAGAMA’T, ang ariarian ng mag-asawa ay nahahati nang pantay sa pagitan nilang magasawa ayon sa batas na sumasaklaw sa relasyon ng mag-asawa at ng mga pag-aaaring napundar nila sa kanilang pagsasama bilang magasawa, hindi ito nangangahulugan na hindi na maituturing na tagapagmana ang asawang
naiwan dahilan sa namatay na ang kanyang kabiyak. Ayon sa batas, bukod sa bahagi ng naiwang asawa ng isang yumao sa conjugal o absolute properties, ang nabalong asawa ay may karapatang magmana ng mga ari-ariang naiwanan ng kanyang asawa na bahagi ng hereditary estate. Ang surviving spouse na ito ay ang legal na asawa sapagkat hindi kinikilala rito sa Pilipinas ang common-law relationship o ang pagsasama nang walang kasal. Ang karapatang magmana ng nasabing surviving spouse ay nakapaloob sa Articles 995 hanggang 1002, Book III ng Civil Code of the Philippines.
Kapag walang naiwanang lehitimong anak o magulang at hindi lehitimong anak at ng kanilang mga inapo, lehitimo man o hindi ang yumao, ang asawang buhay ay magmamana ng buong kayamanan ng namatay.
Kung nagkaroon ang mag-asawa ng legal separation at ang surviving spouse ang pinagmulan ng sanhi ng kanilang paghihiwalay, ang nasabing surviving spouse ay hindi magmamana sa kanyang namatay na asawa.
Kapag kasamang magmamana ng surviving spouse ang kanyang mga lehitimong anak sa kanyang yumaong asawa, ang kanyang bahagi ay katumbas ng bahagi ng bawat anak. Kung iisa ang anak, paghahatian nila itong dalawa nang pantay.
Ang ikaapat (1/4) na bahagi ng hereditary estate ay mapupunta sa surviving spouse kapag kasama niyang magmamana ang lehitimong magulang at hindi lehitimong anak ng kanyang asawa. Ang kalahati (1/2) ay mapupunta sa mga magulang at ang natitirang ikaapat (1/4) na bahagi ay mapupunta sa hindi lehitimong anak.
Kapag wala silang anak ng kanyang namatay na asawa subalit, naiwang buhay ang mga magulang nito, ang bahagi ng surviving spouse sa mana ay kalahati (1/2) at ang natitirang kalahati (1/2) ay mapupunta sa mga lehitimong magulang ng kanyang asawa.
Kung ang kasamang tagapagmana ng surviving spouse ay kapatid o pamangkin ng kanyang yumaong asawa, ang nasabing mga kapatid at pamangkin ay magmamana ng kalahati (1/2) ng buong kayamanan at kalahati (1/2) naman ang magiging bahagi ng buhay na asawa.




Tanong ko lang po.
Namatay po yung husband ko at wala po kaming anak tapos yung father nya na namatay narin ay may malaking lupa na hahatiin nila mag kakapatid. Yung lupa po ay galing din po sa pamilya nga papa nya po. Ang tanong ko po may karapatan po ba ako sa mana ng aking husband bilang isang legal na asawa?