Search
  • BULGAR

After maoperahan sa puso, todo-kayod pa rin…RICO J., SINAGAD ANG SARILI KAYA NATULUYAN

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MARAMI ang nalungkot at nanghinayang sa pagpanaw ng music icon na si Rico J. Puno. At the age of 65, masasabi kasing bata pa naman siya. Sana raw, nang malagpasan niya ang una niyang atake sa puso ay nag-slow down na ito at nagbawas ng workload after niyang maoperahan.

Pero sumige pa rin ito at tumanggap ng mga TV shows (It’s Showtime at Home Sweetie Home) at ratsada pa rin sa pagko-concert.

Kung binigyan daw sana ni Rico J. ng importansiya ang kanyang kalusu­gan ay hindi napadali ang kanyang buhay. Naka-survive na nga siya no­ong una ay hindi pa inalagaan ang kanyang puso. Nagkaroon pa sana ng extension ang kanyang buhay.

Pero sabi nga ng matatanda, may kani-kanyang kapalaran ang bawat tao. May nakalaang panahon na sa ayaw at gusto natin ay hindi na mapipigil. Dumating na si Rico J. sa dulo ng kanyang landas sa buhay. Hindi na mababago pa ang nakatakdang mangyari.

Rico J. Puno lived a full life. Inabot niya ang tuktok ng tagum­pay ng kanyang career. Nagmarka ang kanyang mga awitin sa publiko. Hindi siya namatay na kinupasan ng sigla ang career kahit na mara­ming bagong singers na sumikat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.