- BULGAR
AFP ready na sa Customs, drug smugglers handa na rin, buwisit!
KA AMBO / BISTADO
NAGKAKAINITAN na naman ang gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Drama lang!
◘◘◘
IPINAGDASAL ng isang paring Katoliko ang maysakit na si P-Digong.
Gumaling o mapabilis?
◘◘◘
MARAMI ang naiimbiyerna kay Regine V. nang lumipat ito sa ABS-CBN.
Gusto ba ninyong bumalik siya agad sa GMA-7?
◘◘◘
SINERMUNAN ni P-Digong si Sec. Manny Piñol nang um-absent ito sa command conference.
Pero, idinepensa rin siya ni PRRD kasi marami nang ‘money’ si Manny!
◘◘◘
MATIBAY pa rin ang kapit ng U.S. Republican sa Senado at Democrats naman sa U.S. Lower House.
Meaning, may asim pa rin si U.S. President Donald Trump!
◘◘◘
READY na ang AFP sa pag-takeover sa Adwana.
Naka-ready na rin ang mga drug smuggler.
◘◘◘
NAAAMOY na ang simoy ng Pasko.
M a n o po ninong, mano po ninang!
◘◘◘
MARAMI nang nagbabalot ng panregalo para sa X-mas.
Maliit na ang mga supot sa Xmas bag.
◘◘◘
NAKITA natin sa video clip sa FB na nagsusuntukan ang mga Santa Claus.
Maiinit ang ulo nila, wala kasing pambili ng regalo sa mga paslit!