Search
  • Green Lantern

WOW POGI IPINAPATOK

MAGANDA ang karera ngayon mga katropa dahil bawat karera ay may mga premyong nakataya sa 23rd MARHO Breeder’s Championships na inisponsoran ng PHILRACOM.

Lalagay agad ako sa inaasahang mali-liyamado na si Victory Choice, (8) sa Race 1, pili kayo sa pamorkas na Chrism, (3) at Heart And Soul, (4). Kunin natin sina Secret Affair, (5) at Anino, (1) sa Race 2.

Tatlo ang kursunada ko sa Race 3, asintahin n’yo na lang pili ko, ito’y sina Manila Boy, (7), Boy Paradise, (6) at Tequila Princess, (10). Sa Race 4 sina Gepnits, (4), Caloocan Girl, (9) at Barayong, (2) ang isasama ko sa Winner Take All.

Sa Race 5, Song Of Songs, (6) ako pero isama n’yo si Hot And Spicy, (1), habang sina Pax Britannica, (5) at Sheltex Magic, (8) ang pili ko sa Race 6.

Tingin ko patok si Wow Pogi, (10) sa Race 7, pandehado natin sina Salaminsk, (7) at Black Shadow, (9).

Bakbakan din itong Race 8, kay Hail Storm, (6) at Gee’s Song, (9) ako. Mahirap na karera ulit ang Race 9 kada matatalo ako rito, kunin ko sina couple entry na Helushka, (6) at Jersy Crown, (6A), Kapayapaan, (13) at Highway Hills, (12).

Kay Daldalero, (9) ako sa Race 10, isama natin sina Don Alberto, (8) at Mabalor, (2).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.