top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panawagan sa gobyerno, proteksiyon para sa mga OFW, lalo pang paigtingin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2018
  • 1 min read

EMOSYUNAL na sinalubong ng kanyang pamilya si Jennifer Dal­quez, isang OFW mula sa United Arab Emirates na naihanay sa death row dahil sa pagpatay sa among pulis na nagtangka umanong humalay sa kanya.

Talagang nakalulungkot at na­kadidismaya na may mga ganitong pagkakataong kinahaharap ang iba.

Kaya upang maiwasan nang ma­ulit pa ang ganitong mga pangya­yari, hihilingin natin sa pamaha­laan na lalo pang paigtingin ang proteksiyon ng ating mga kaba­bayan na sa ibang bansa ay naki­kipagsapalaran.

Samantala, kung ang lahat ng tao ay kakayanin ang mamuhay dito sa bansa kahit dito sila nagtatra­baho, wala sigurong magiging problema.

Pero, dahil imposible at ma­rami pa rin tayong mga kababayan na nag-a-abroad, lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung hindi pa natin kayang solusyunan ang kahirapan sa ating bansa, tulungan at supor­tahan na lang natin ang ilang ma­mamayan sa kanilang pakiki­pagsa­palaran para maiahon sa kahirapan ang mga mahal nila sa buhay.

At huwag nating hahayaan na dahil sa kanilang pangarap ay ma­ibubuwis nila ang kanilang buhay.

Gayundin, wala na sanang OFW na ma­ging biktima pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page