Mga smuggler sa Customs lagot sa mga sundalo!

BINUWISIT na naman ni “Santo Rodrigo” ang mga Katoliko.
Pasensiya na, naka-painkiller ‘yan!
◘◘◘
MAY malaking problema ang Pilipinas.
Ito ay ang sunud-sunod na landslide.
Panibagong kalamidad ito na mahirap pigilin!
◘◘◘
IPATUTUPAD agad ang salary increase.
Kahit kakarampot lang!
◘◘◘
BUMABABA na ang presyo ng petrolyo.
Dapat lang!
◘◘◘
HINDI malinaw kung ano ang kapalaran ng Bureau of Customs ngayon.
Paktay kang ismagler ka!
◘◘◘
SA pagkontrol ng military sa Adwana, magkakawalaan ang mga paninda sa bangketa.
Lahat kasi ‘yan ay smuggled goods!
◘◘◘
PILAY na ang Malacañang kasi marami nang nawala sa gabinete.
Bakit kaya?
◘◘◘
LILIPULIN daw uli ang CPP-NPA-NDF.
Daig pa nila ang aswang, hindi nauubos!





Comments