Lasing na piloto, arestado
ARESTADO ang isang piloto ng Japan Airlines (JAL) matapos nitong maantala ang biyahe na papunta sa Tokyo dahil nakainom.
Ayon sa JAL executives, nakapasa umano ang piloto sa in-house breath test ngunit, nagduda ang bus driver na naghatid sa kanya sa eroplano mula sa Heathrow Airport noong Linggo.
Dagdag pa ng mga ito, matapos ang second breath test bago mag-take-off ay napag-alaman na ito ay uminom nang maraming alak.
Agad na humingi ng tawad sa publiko ang Japan Airlines.
Dahil dito, hinikayat ng Japanese transport ministry ang airline companies na higpitan pa lalo ang batas tungkol sa pag-inom ng alak.





Comments