Search
  • Alvin Murcia

Kelot tiklo sa baril sa sementeryo


DINAMPOT ng mga pulis ang isang lalaki mata­pos sitahin ang isang driver na nakaparada sa tabi ng kanilang tindahan ngunit, naispatan na may sukbit na baril sa bey­wang malapit sa gate ng Loyola Memorial Park kamaka­lawa nang ha­­pon.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Chief Supt. Bernabe Balba, alas-2:30 ng hapon nang kompron­tahin ng suspek na si Pat­rick Ro­bert Paz ang dri­ver ng sa­sakyan ng Mari­kina Office of Public Safety and Secu­rity (OPSS) dahil nasa tabi ito ng kanilang tindahan ng bulaklak.

Gayunman, namataan na mayroon itong sukbit na ba­ril kaya inalerto ang mga pulis na kasaluku­yang nag­babantay sa se­menteryo.

Agad namang dinisar­mahan ang lalaki at dinala sa himpilan ng pulisya upang imbestigahan at alamin kung may papeles ang kanyang baril.

Ayon kay Mari­kina Police Chief Senior Su­perintendent Roger Que­sada, si Paz ang nagba­ban­tay ng kanilang flower shop kung saan nakatayo ang kanyang bahay at ang pali­wanag ng ama nito, ang kan­yang anak na piloto sa Thai­land at ka­babalik pa lamang sa ban­sa ay nagdedepensa la­mang dahil biktima sila ng nakawan.

Ayon kay Quesada, ibi­nigay na sa kanila ang lisen­siya ng baril at bi­neberipika nila ang per­mit-to-carry fire­arms nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.