Search
  • BULGAR

IRVING, HALIMAW SA 28 PUNTOS, LAHAT, NAGULAT KAY WESTBROOK


WALANG pakialam si Kyrie Irving kung un­beaten team man ang kanyang kasagupa, da­hil pinatikman niya ang Milwaukee Bucks ng kauna-unahang talo sa NBA Game season ka­hapon.

Hindi umubra sa Bos­ton Celti

cs ang Bucks sa bisa ng 117-113 nang bumida si Irving sa bisa ng 28 puntos niya at tu­lungan si Gordon Hay­ward sa tinabo ni­tong season high 18 pun­tos at hindi na pa­pormahin pa ang Bucks.

May 6-3 record na ngayon ang Boston ha­bang may 7-1 ang Bucks kung saan bumakas din sa final minute sina Al Horford na may 18 pun­tos at Marcus Morris ng 17 puntos.

Samantala, sa iba pang laban, nakabu­welta ang Oklahoma City Thunder mula sa pagkaiwan na 19 pun­tos laban sa Charlotte Hornets, 111-107.

Nangalabaw si Rus­sell Westbrook ng 29 puntos, 10 assists at 8 re­­bounds upang maita­rak ang 3rd win sa ika-7 laro ng season.

Nag-ambag din para sa Thunder sina Alex Abrines ng 25 puntos, may limang tres at si Den­nis Schroder ay may 21 na ikinailing na lamang ng Hornets dahil na rin sa masigla ang laro ng seven-time All Star na si West­rook. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.