Search
  • BULGAR

HD SPIKERS, ASSET MANAGERS, MAGPAPAGPAG NG KAHINAAN


MATAPOS ang diret­song set na pagkatalo sa kani-kanilang mga kasagupa, sisikapin ng Cignal HD Spikers at ng Cocolife Asset Managers na makaresbak sa Super Liga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magsa­sagupa ang HD Spikers at ang Asset Managers ng 7 p.m., kung saan umaasa ang bawat isa na mapalakas pa ang laro mula sa ilang nagdaang kabiguan.

Ang Cignal na natalo sa F2 Logistics at Cocolife na sumurender sa Petron Blaze Spikers ay hindi na nag-aksaya ng oras upang alisin ang kahinaan at kailangan nilang makabawi ng paglalaro sa prestihiyosong women’s club tourney. Namuno si opposite spiker Mylene Paat, nagpa­kitang-gilas minsan sa national team sa kanyang laro sa Asian Games noong Agosto para sa team ng HD Spikers sa bisa ng 12 points.

Inaasahan din si Filipino-American recruit Kalei Mau na nag-iwan ng magandang impresyon matapos ang kanyang PSL debut at bumanat ng 13 puntos at 11 digs para sa Asset Managers. Sa kanila nakatuon ang mata ng lahat sa bakbakan ng dala­wang team. Saman­tala, bu­buksan ng Foton at Gene­rika-Ayala ang kurtina ng laro ng 4 p.m. sa torneo na isasaere ng ESPN5. Magla­laro nang wala ang matatangkad na Santiago Sisters na sina Dindin at Jaja, na parehong naglalaro ngayon sa Japan, nakahanda ang Blue Tornadoes sa kawalan ng magkapatid.

Si Dindin ay naglalaro sa Toray Arrows, habang si Jaja ay sa Ageo Medics sa Japan V League. “It’s a big challenge for us not having the Santiago sisters around for this conference. But we are confident our coaches will help us to adjust with the new system,” ayon kay Foton setter Gyzelle Sy. Gutom sa titulo, sasandal ang Gene­rika-Ayala sa mga beteranong sina Patty Orendain, April Hingit at Ria Meneses para sa mas impresibo pang laro sa tropa. Sa panig naman ng PSL Collegiate Grand Slam, haharapin ng University of the Philippines ang University of the East ng alas-12 ng tanghali, habang ang Colegio San Agustin ay babanat kontra University of Santo Tomas ng 2 p.m. (MC)

Mga Laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

4 p.m. Opening ceremonies 5 p.m. Foton vs. Generika-Ayala: 7 p.m. Cignal vs. Cocolife

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.