- Alvin Murcia
Guro sapol sa ligaw na bala
ISANG 62-anyos na guro ang ginagamot makaraang tamaan ng ligaw na bala sa Pasig City.
Nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ang biktimang si Flora Ching, 62, isang guro.
Nangyari ang insidente alas-12:10 ng hatinggabi sa Jupiter St. Sikat Araw, Nagpayong, Pasig City.
Batay sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek na si Jerome Martinez at si Jammel Tapia at tinangka namang umawat ng isang Rannie Calumpad.
Umalis si Martinez ngunit, ilang sandali ay bumalik ito at walang babalang binaril si Avaceña ngunit, sumablay at ang guro na kasalukuyang nasa lugar ang tinamaan.
Inaresto naman ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya.