Utos ni P-Duterte na overhaul sa Customs, aprub sa mga negosyante

TOTOONG sawang-sawa na ang mga Pilipino sa mga katiwalian kaya sa naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay dumaan sa overhaul ang Bureau of Customs na tinatawag din ng ilan na “Bureau of Corruption”, maraming negosyante ang sumang-ayon.
Kung saan pinuri rin ito ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at ayon kay PCCI President Alegria Limjoco na maluwag nilang tatanggapin ang pagtatalaga ng militar sa ilang posisyon sa BOC lalo na kung titiyaking hindi ito magiging hadlang sa mabilis na proseso ng trabaho sa loob ng ahensiya.
Bagama’t, nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi hahawak ng mga sensitibong posisyon sa BOC ang mga militar dahil ang tanging magiging partisipasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nila rito ay ang magbantay lang laban sa korupsiyon.
Gayunman, hiling natin na kung sakaling mangyayari nga ito ay tuluyan na sanang matuldukan ang mga kriminalidad sa bansa.
Gayundin, hiling natin sa mga opisyal na huwag na sana kayong makisali sa mga pasaway na gumagawa ng masama para sa bayan, mas mainam na tulungan na lang ang gobyerno upang maiahon tayo sa kahirapan.
Samantala, malinis na gobyerno ang ihandog sa sambayanan at huwag puro katiwalian.
At palagi nating tatandaan na ang pagiging korup ay may masamang epekto para sa lahat ng mamamayan, gayundin sa bayan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments