Search
  • BULGAR

TAMARAW CHESSERS, GINIBA ANG NU, LADY ARCHERS, REYNA SA UAAP ’81


TINAPOS ng Far Eastern University ang 3-year reign ng National University habang napanatili ng De La Salle ang women’s title sa ikalawang sunod na taon sa pagtatapos ng UAAP Season 81 chess tournament noong weekend sa UST Quadricentennial Pavilion.

Nakalikom ang Tamaraws sa loob ng 14-rounds ng kabuuang 40 puntos upang makopo ang kanilang 14th men’s overall title habang naangkin naman ng Lady Woodpushers ang kanilang ika-9 na women’s crown matapos makatipon ng 43 puntos. Sa penultimate round pa lang ay nakopo na ng FEU ang men’s title matapos nilang magtabla ng De La Salle (2-2) noong Sabado.

Ganap nilang sinelyuhan ang kanilang kampeonato sa pamamagitan ng 2.5-1.5 na paggapi sa eventual third placers Adamson University sa huling round no­ong Linggo. Nanguna si Rookie of the Year winner at Board 2 gold medalist Jeth Morado sa tagumpay ng Tamaraws katulong si Board 4 gold medalist Romy Fagon.

Nagsilbing konsolasyon para sa NU, nang magwagi si International Master Paulo Bersamina ng gold medal sa Board 1 at season MVP award sa ika-4 na sunod na taon habang nagwagi rin ng gold medal si Arnel Ilagan para sa Board 6.

Namuno para sa lady woodpushers si WCM Mira Mirano na sya ring nagwaging tournament MVP at Board 1 gold medalist, kabalikat ang teammate na si Samantha Revita na nagwaging Rookie of the Year at Board 4 gold medalist at Ella Moulic na gold medal winner sa Board 3. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.