top of page

SUPRA GM SO, SUSULONG SA TATA STEEL CHESS SA KOLKATA

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Nov 2, 2018
  • 1 min read

ISA sa mga napiling lumahok si Pinoy Grand­master Wesley So sa unang edisyon ng inaasa­hang malupit na torneong Tata Steel Chess Champion­ship ngayong Nobyem­bre 9 hanggang 14 sa Indian Council for Cultu­ral Relations ng Kolkata, India.

Pamilyar sa mga chess afficionados ng buong mundo ang Tata Steel da­hil sa prestihiyosong clas­sical tournament na gi­naganap sa Netherlands tuwing Enero at minsan nang napagwagian ng tubong Cavite na si So.

Pero sa sagupaan sa India, hindi standard chess ang labanan kundi pas­pasang ahedres sa palig­sahang inaasahang magi­ging isang taunang kaga­napan.

Tatlong araw ng rapid chess at dalawang araw ng bakbakang blitz ang magiging format ng tung­galiang tatampukan din ng pagpapakitang-gilas ng mga elite wood­pus­hers na sina GM Levon Aronian ng Armenia, Rus­sian GM Sergey Kar­jakin, GM Hikaru Naka­mura ng Amerika, Azer­baijan ace GM Mamed­yarov Shakhiriyar at si dating world champion at Indian GM Vishwa­nathan “Vishy” Anand.

Bukod sa kanila, li­mang pambato ng pu­nong-abalang India ay sasabak sa kompetis­yong naglalaan ng $10,000 para sa mangingibabaw sa ra­pid chess at $7,500 na nakaabang para sa aangat sa blitz chess.

Ito ay bahagi ng kabu­uang cash pot na $40,000. Ang mga local bets ay sina Pentala Harikrishna (Rating: 2743), Santosh Gujrathi Vidit (Rating: 2711), Surya Shekhar Gan­guly (ELO Rating: 2622), Nihal Sarin (ELO Rating: 2572) at Praggnanandhaa Rameshbabu (ELO Ra­ting: 2512).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page