Search
  • BULGAR

Ikinahihiya raw siya ng ibang basketball players… SIGAW NI VICE: SI CALVIN LANG ANG PROUD SA AKIN!

Ador Saluta / ADORE ME!

SA mga nakaraang birthday episodes ng Tonight with Boy Abun­da, si Vice Ganda ang naatasang mag-interbyu sa King of Talk na si Boy Abunda.

Mga kontrobersiyal na tanong ang ibinato ni Vice kay Kuya Boy sa mga naka­raang episodes na laging nagte-trending sa social media.

Pero nitong last episode ng Tonight with Boy Abunda, si Vice naman ang nala­gay sa hot seat sa pagpapatuloy ng birthday special ng nasabing late-night talk show.

Agad na itinanong ni Kuya Boy sa It’s Showtime host kung totoo raw ba ang tsis­mis sa kanila ng PBA player na si Calvin Abueva? Kalat na kasi ang tsismis na si Calvin ang karelasyon ngayon ni Vice na nag-umpisa sa biru-biruan sa It’s Showtime.

Paliwanag ni Vice, “Honestly, Tito Boy, hindi ko po jowa si Calvin Abueva. Kasi ‘di ba, para sabihin mong jowa mo… ‘yung ‘Boyfriend kita, ha, jowa mo ako.’”

Pero aminado rin si Vice na pinasa­saya siya ni Calvin.

“He makes me so happy. Mabait po siya sa akin. He’s one of my closest friends now. Isa siya sa mga nakakapagpasaya sa akin. He makes me smile, he makes me laugh, he makes me happy,” dire-diret­song pahayag ni Vice.

Isa raw sa mga na-appreciate ni Vice kay Calvin ay hindi nito ikinahihiya ang kanilang friendship.

“Sobra ko po siyang na-appreciate kasi sa dinami-dami ng naging kaibigan kong basketball players… iilan lang du’n ‘yung naging proud na ‘Malapit na malapit ako kay Vice.’ ‘Yung iba nga, hindi kayang i-post ‘yung picture namin na gumimik kami, magkakaibigan lang kami, ha? At nao-offend ako ‘pag iniisip kong bakit hindi kaya nila masabing kaibigan nila ako.”

Dagdag pa ni Vice tungkol kay Calvin, “Si Calvin, he doesn’t care. Sinabi ko na sa kanya ‘yun dati…”

Kuwento pa ni Vice, si Calvin pa min­san ang nag-Instagram live sa kani­lang dalawa.

Pagmamalaki ni Vice tungkol kay Calvin, “Hindi siya nahihiya na makita ng mga tao na malapit kami sa isa’t isa dahil naniniwala siya na walang mali.”

Nang tanungin kung ang “friendship” na ito ay puwede ring maging isang relationship, sinabi ni Vice na, “I seriously don’t know. I don’t want to think about it.”

Nang tanungin kung wini-wish niyang mauwi sa isang relasyon, sagot ni Vice ay, “No.”

Ayon kay Vice, “I just want to feel what I feel right now. I just want to experience this now and I’m happy that I’m experiencing this now and I’m happy that he’s making me experience this now.”

Pakiramdam daw ng It’s Showtime host, matatapos din ang kung anumang meron sila ni Calvin, at kinausap daw niya ang mga fans niya na, “Feeling ko, matatapos din naman ‘to, hindi ko lang alam kung kelan. Ibigay n’yo na sa akin kasi gusto kong maging masaya at nakukuha ko ‘yun sa pa­kikipagkaibigan ko sa kanya… parang mas humuhusay ako sa pagpapasaya ko sa inyo.”

Nang tanungin naman ni Kuya Boy ng hypothetical question si Vice na, “If you were to go to hell, sinong isasama mo,” ang sagot ni Vice ay, “I want to be sincere… si Calvin. Kasi if I will go to hell with him, I think hell is going to be fun.”

Sa isang hiwalay na panayam kay Calvin, sinabi ng PBA player na “sweet friends” lang sila ni Vice.

Well, saan ba napupunta ang relas­yong “sweet friends”?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.