Aktor, binati ng aktres nu'ng b-day, Yassi… JULIA AT COCO, BUKING NA TULOY PA RIN


KINILIG ang mga CocoJuls fans sa birthday greetings ni Julia Montes kay Coco Martin who celebrated his birthday yesterday (Nov. 1).
Simpleng “Happy Birthday” with cake emoji ang birthday greetings ni Julia kay Coco kalakip ng isang picture ng aktor na 37 years old na pala.
Pero kahit ganu’n lang kasimple ang greetings ni Julia, it means so much sa mga fans nila ni Coco at naniniwala silang hindi pa talaga break ang dalawa.
Siguro raw, may deal na sina Coco at Julia to keep mum about their relationship dahil si Yassi Pressman nga naman ang ka-love team ni Coco sa Ang Probinsyano, while Julia has her own leading man sa mga seryeng ginagawa nito. Ano nga kaya ang real score?





Comments