50 PTS. SA T’WOLVES NI ROSE, NETS AT PACERS, BUMIDA RIN
MAY 50 puntos ang itinala ni Derrick Rose upang bitbitin sa pagwawagi ang Minnesota Timberwolves laban sa Utah Jazz, 128-125 kung saan nakasuot pa siya ng kanyang lumang jersey na animo’y mukha siyang Most Valuable Player sa NBA game kahapon.
Ginawa niya raw ang kanyang makakaya upang tuluyang gapiin ang Jazz. Makaraan ang laro ay nagdiwang sa tabi niya ang mga kasamahan nang magwagi ang kanilang team.
Sa iba pang laro, naging pangati ng New Jersey Nets si Spencer Dinwiddie upang magwagi sa overtime game sa Detroit Pistons, 120-119. Bukod sa kanya ay naka-23 puntos si Joe Harris habang may 24 puntos, 23 rebounds si Andre Drummond at may nabakas si Reggie Jackson na 21 puntos hanggang sa naka-3 puntos pa si Dinwiddie sa nalalabing 7.1 segundo.
Nakaabot pa sa 15 puntos ang kalamangan ng Nets hanggang nagtala ng 22-3 run ang Pistons na nakalamang sa halftime, 60-54.
Sa iba pang laro, nagawang magwagi ng Indiana Pacers at Denver Nuggets kontra New York Knicks at Chicago Bulls. Ipinahiya ng Pacers ang Knicks sa 107-101.
Nanguna si Domantas Sabonis para sa Pacers sa itinala niyang 30 puntos habang may 24 puntos ang naiambag ni Victor Oladipo. Sinuwerte naman na maipasok ni Nuggets forward Pul Millsap ang kanyang tres puntos upang talunin ang Chicago Bulls, 108-107 sa kanilang overtime game.
Pinagbidahan ni Nikola Jocik ang panalo ng Nuggets sa itinala niyang 22 puntos, 12 rebound at 9 assists habang may 19 puntos si Millsap. (MC)





Comments