- BULGAR
3 pulis nadale sa granada
TATLONG pulis ang sugatan makaraang sumabog ang isang granada malapit sa gate ng 1003rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 sa Bgy. Halapitan, San Fernando, Bukidnon.
Kaugnay nito, isinugod sa Sanitarium Valencia City Hospital sina PO1 Markem Tanto, PO3 Anna Marie Suan at PO1 Via Amor Binay-an, pawang mga kasapi ng 1003rd Maneuver Company.
Ayon sa dalawang saksi, dalawang hindi pa kilalang taong sakay ng motorsiklo ang nagtapon ng isang bagay bago naganap ang pagsabog. (BRT)