Search
  • Jersy Sanchez

Sey ng experts… PAGHA-HIKING, EPEKTIB NA PANLABAN SA DEPRESYON!

KUNG ikaw ay stressed o physically drained na subukan mong mag-hiking, besh, dahil ayon sa mga eksperto, ang pagha-hiking raw umano ay hindi lamang ehersisyo kundi ito rin ay mayroong positibong epekto sa ating mental health.

Ayon sa author ng librong The Revolutionary New Science of Exercise and the Brain, magandang alternatibo sa mga medical supplement ang pag-eehersisyo dahil maaaring tayong makaiwas sa side effects ng pag-inom natin ng iba’t ibang gamot, gayundin nakatutulong rin ang malinis na hangin at paligid upang ma-relax ang ating utak.

Dagdag naman ng mga researcher noong 2015 mula sa Stanford University, na ang paglalaan ng oras sa natural na paligid ay nakapagpakalma sa ilang parte ng ating utak at nababawasan nito ang tsansa ng pag-iisip ng mga negatibong bagay na maaaring maging sanhi ng anxiety o depression.

Samantala, sa isa pang pag-aaral na tinawag na A Potential Natural Treatment for Attention Deficit/Hyperactivity Disorder: Evidence From a National Study, natuklasan ng mga researcher kasama ang mga kabataan na nasa edad 5 hanggang 18 na na-diagnose na mayroong ADHD na ang pagka-expose sa magandang kapaligiran at ang pagha-hike ay nakapagbibigay ng positibong epekto sa mga batang may ADHD.

Gayunman, dahil sa positibong epekto ng hiking sa pag-iisip, maraming eksperto na ang nagrekomenda nito sa mga taong may nakararanas ng problema sa kanilang mental health.

Samantala, ipinayo rin ng mga dalubhasa na huwag kalilimutang maglagay ng sun screen at magdala ng tubig sa tuwing magha-hiking upang maiwasan ang sun burn at dehydration.

Kaya para sa mga beshy, momshie at bagets diyan, subukan na ninyo ang pagha-hiking dahil bukod sa nakapag-ehersisyo na kayo ay matatanaw pa ninyo ang magandang kalikasan.

Stay fit and mentally healthy, mga beshy!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.