Search
  • Mylene Alfonso

Preso at dalaw timbog sa shabu


ISANG preso at kan­yang dalaw ang naaktuhang nag-aabutan ng shabu sa loob ng custodial facility ng Ma­nila Police District-Police Station 11, kamakalawa sa Bi­nondo, Manila.

Kinilala ni MPD Di­rector P/Chief Supt. Rolan­do Anduyan ang dalaw na si Albert Nicdao, 38, at ang detainee na si Reneboy Ata­nacio, 37, cellphone techni­cian, kapwa miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Tondo, Manila.

Ayon sa MPD-PS-11, alas-6:45 ng gabi nang ma­aresto ang mga suspek sa loob ng bilangguan ng na­turang presinto, habang di­nadalaw ni Nicdao si Ata­na­cio, na nakapiit sa naturang bilangguan dahil sa kasong droga.

Isang detainee naman ang nagbigay ng tip sa mga pulis na magde-deliver ng shabu si Nicdao kay Atana­cio kaya binantayan ang mga ito ng mga pulis.

Agad namang inaresto nina PO1 Christian Devera at PO1 Ronel Angeles ang dalawa nang maaktuhang iniaabot ni Nicdao kay Ata­nacio ang dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Nagawa umanong ma­ipuslit ni Nicdao ang shabu sa loob ng piitan sa pama­magitan ng pagtatago nito sa loob ng label ng kanyang t-shirt, kasama ang isang alu­minum foil.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.