- BULGAR
PEREZ AT 6 PANG FIL-FOREIGN PLAYERS KASADO NA SA PBA ROOKIE DRAFT

PITONG Fil-Foreign players kabilang na ang potential top pick ngayong taon ay nag-aplay na para sa PBA Rookie Draft na nakatakda sa Disyembre 16.
Nangunguna si Lyceum star CJ Perez sa rookie prospects na may dugong banyaga at nagpahayag ng kanyang intensiyon na lumahok sa first official function ng liga para sa bubuksang 44th season.
Makakasama ni Perez, ang NCAA Season 93 MVP sina Matthew Salem, Carlos Isit, Paul Varilla, Robbie Manalang, Trevis Jackson at John Regasa.
Sina Isit, Manalang, Salem at Varilla ay pawang mga naglaro sa UAAP at NCAA. Ang deadline ng pagpapasa ng draft application sa foreign-bred players ay nagtapos noong Okt. 26.
Samantala, ang local players deadline ay hanggang sa Dis. 3 para mag-aplay. Si Perez na may monicker na ‘Baby Beast’ ay nabanggit na rin na potential no. 1 pick kasama ang fellow stalwarts Bobby Ray Parks at Robert Bolick.
Ang mga dokumento at eligibility ni Perez maging ng iba pang Fil-Foreign players ay rerebisahin pa kung saan ang final list ng mga kuwalipikado ay ilalabas sa Dis. 3. Samantala ang opisyal na listahan ng rookie applicants ay malalaman na sa Dis. 14 o dalawang araw bago ang draft.
Ang traditional Draft Combine kung saan ipakikita ng Draft aspirants ang kanilang tikas at husay ay sa Dis. 12 at 13. (MC)