top of page

Pagsusulit para sa mga mag-aaral, hindi dapat katakutan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2018
  • 2 min read

“FINISHED or not finished, pass your papers.”

Halos lahat ng tao ay may partikular na ba­gay, okasyon o sitwasyon na kinatatakutan. Maaari tayong mamili kung haharapin natin ito o tatalikuran.

Para sa ilang mga estudyante, ang sobrang ikinatatakot nila ay ang mag-exam.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Sufiana Malik ng National University of Modern Languages, ang “testophobia” o pagkatakot sa pagsusulit ay nagbubunga ng kahinaan sa academic les­­sons.

Kapag may testophobia ang isang mag-aaral, nakararamdam siya ng nerbiyos at na­lilimutan ang tamang sagot.

Para sa kanya, ang test ay nagdudulot ng anxiety o stress.

Bago pa man dumating ang pagsusulit ay blangko na ang kanyang isip dahil takot o nag-aalala siya na hindi niya masagutan lahat at baka hindi maganda ang kalalabasang resulta sa exam.

Ito ang ilan sa mga dahilan ng testopho­bia:

  • Takot sa parusa ng magulang kapag hindi nakapasa.

  • Takot sa guro sa ibibigay na dagdag-gawain.

  • Pakikipagkumpitensiya sa mataas na marka.

  • Pagdalo sa make-up o remedial classes.

  • Hindi sapat ang oras upang matapos ang pagsagot.

  • Hindi handang kumuha ng pagsusulit.

  • Cramming o pagmamadaling matapos ang pagre-review.

Si Fred ay isang Grade 4 pupil sa isang pri­badong paaralan sa Rizal.

Noon ay napapansin ng kanyang teachers na pala-absent siya tuwing may quiz sa isa o dalawang subjects at ang karaniwan daw niyang dahilan para hindi makapasok sa klase ay nahihilo at nanghihina ang katawan.

Suspetsa nila ay takot ang bata na suma­got sa mga pagsusulit.

Ikinatutuwa ng mga guro ni Fred na sa paglipas ng dalawang taon ay nag-improve na siya, sa tulong din ng tutoring class.

Ngayong Grade 6 na siya, tumaas ang kanyang tiwala sa sarili at hindi na sumasama ang kanyang emosyunal o pisikal na pakiram­dam.

Ayon sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa testophobia, ang mga magulang ang dapat manguna para maging handa ang mga batang mag-aaral sa pagkuha ng anu­mang test.

Kaya habang bata pa, patuloy natin silang suportahan at palakasin ang loob na magka­roon ng tiwala sa sarili at kung sakaling bumaba ang resulta ng marka ng anak, ipa­kita pa rin ang suporta at sabihing galingan na lamang niya lalo sa susunod.

Mainam na nasasanay na sila sa murang edad pa lamang na huwag katakutan ang anu­mang parte ng kanilang edukasyon kahit gaano man ito karami at kahirap.

Turuan natin silang magkaroon ng positi­bong disposisyon mula sa pagre-review ng aralin hanggang sa aktuwal na araw ng pag­su­sulit.

Magsisilbi rin itong paghahanda sa pagta­tagumpay sa kanilang magiging propesyon, lalo na sa mga kursong kailangan ng Board o Bar exam pagka-graduate o malalaking uri ng exam tulad ng National Career Assessment Exami­ation, National Achievement Test at iba pa.

Panigurado, kung magiging handa sila sa mental, emosyunal at pisikal na aspeto, hindi magiging hadlang ang testophobia sa pagpasa ng anumang ibigay na pagsusulit sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page