Search
  • BULGAR

NAUUBUSAN NG PASENSIYA SI JAMES CAVALIERS, SA WAKAS, NANALO RIN


BINALAAN ni LeBron James ang mga nakababata niyang teammates sa Los Angeles Lakers na nauubos na ang kanyang pasensiya matapos ang masaklap na pagdaan ng tropa sa tatlong pagkatalo sa loob ng isang linggo mula nang pumasok ang bagong regular season ng NBA.

“You probably don’t want to be around when my patience runs out. I’m serious,” sabi ni James matapos na matalo na naman ang Lakers sa 124-120 sa Minnesota noong Lunes ng gabi para sa limang pagkatalo mula sa opening seven games.

“We talk about patience but you can’t have reoccurrences of the same thing. If you are doing the same things over and over and over and expecting the same result then that’s insanity. “So we have to get better. We can’t keep having the same mistakes over and over.”

Samantala, wala pa ring kupas si Tony Parker dahil nakagawa ito ng 24 points at 11 assists, kung kaya nagawang makapanalasa ng host Charlotte Hornets kontra Miami Heat para sa ikalawang pagkakataon sa loob ng 11 araw sa bisa ng 125-113 victory kahapon.

Si Parker, ang 17-anyos na veteran sa kanyang unang season sa Hornets ay umariba ng 8 of 15 shots sa field nang bumanat ang Hornets ng 54.3 percent.

Nagawang makontrol ng Hornets ang laro mula sa simula, nakalalamang ng 13 sa 2nd quarter at 65-55 sa halftime, hanggang dumale pa ng leading 20 puntos sa huling bahagi ng 3rd quarter. Pero ang Miami ay hindi napadikit sa 10 puntos sa 4th quarter.

Sa iba pang laban, umiskor si Guard Rodney Hood ng season-high 26 points at natulungan ang Cleveland Cavaliers para sa unang panalo sa 7 games para sa 136-114, laban sa bisitang Atlanta Hawks. Ang panalo ang una para kay Cleveland coach Larry Drew, na pinalitan si Tyron Lue na sinibak noong Linggo. Sa iba pang laro, humalibas si Kawhi Leonard ng 31 puntos at sumunggab ng 7 rebounds at dumagdag si Jonas Valanciunas ng 23 points nang gapiin ng Toronto Raptors ang bisitang Philadelphia 76ers, 129-112 kahapon.

Dumagdag si Kyle Lowry ng 20 points at 12 assists para sa fifth double-double ng season para sa Toronto, habang tumapos si Pascal Siakam ng 15 points at 15 rebounds. Nakapag-ambag si Serge Ibaka ng 16 points at 8 rebounds, umiskor ng 10 puntos si Danny Green na lahat ng 5 stars ay naka-double digit sa puntos. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.