Search
  • BULGAR

Nag-aalok ng dasal at basbas sa mga puntod kapalit ng pera | Mga pekeng pari, nagkalat sa sementeryo

RYAN B. SISON / BOSES

MATATAPOS na ang taon, pero ang mga kawatan at manloloko ay hindi pa rin nauubos at nagbabago.

Kaya ngayong Undas, mahigpit na pinaaalalahanan ang publiko na huwag magpauto sa mga pekeng pari na nag­kalat sa mga sementeryo na nag-aalok ng dasal at basbas sa mga puntod kapalit ng pera.

Sinabi ni Bishop Broderick Pabillo na naging istrikto at nagpaalala na sila na huwag tumanggap ng serbisyo mula sa mga ito nang sa gayun ay maiwasan ang iba’t ibang klase ng panloloko.

Bagama’t, mahirap talagang kontro­lin ang bawat ikikilos ng tao, pero bilang Pilipino, tayo na lang mismo ang umiwas at lumayo sa kanila, lalo na ngayong ta­lamak na talaga ang paggawa ng iligal na aktibidad dito sa ating bansa.

Gayunman, ang nakalulungkot dito na pati ang pagpapari ay pinasok na ng iba para lang kumita ng pera.

Grabe, hindi na sila naawa sa mga taong ang gusto lang ay ang bisitahin ang mga yumao nilang pamilya.

Samantala, upang malaman kung lehitimong pari ang kausap, hingian ang mga ito ng letter of authority.

Dagdag pa rito, kung may mag-aalok ng dasal, mainam na pasalamatan o big­yan na lamang ang mga ito ng pagkain nang sa gayun ay wala ng mapahamak pa.

At ang panawagan natin sa lahat, pairalin ang disiplina at respeto ngayong Araw ng mga Patay!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.